Bimby

Bimby tanggap ang kundisyon ni Kris

July 1, 2024 Vinia Vivar 98 views

Tanggap na ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ang kundisyon ng kanyang ina at alam niyang anytime ay pwede itong mawala.

As we all know, ilang taon na ring nakikipaglaban si Kris sa kanyang auto-immune diseases at kasalukuyang nasa Amerika for two years now para magpagamot.

Walang gamot sa nasabing karamdaman but the symptoms can be managed and mostly, it requires a lifelong treatment.

Sa exclusive interview ni Ogie Diaz sa mag-inang Kris and Bimby for his vlog, sinabi ng anak ni James Yap na kung hanggang saan ang oras na ibibigay ni Lord sa kanila ng Mama niya ay tatanggapin niya.

“During mom’s birthday (in Feb. 14, 2024), medyo ano na, parang things were not looking the best, but they’re okay, but they’re not looking the best,” kwento ni Bimby.

Nagsulat siya ng letter sa ina at nagpasalamat na nakasama niya ito sa loob ng 17 years ng kanyang buhay.

“I wrote in the letter na ‘okay, mom, I know times are tough, pero I’m so thankful na – kasi, ‘di ba, I’m 17 now – I’m so thankful na I had 17 years with the person I love the most.

“’Di ba nga, other people, they only get to spend 10 years, five years with the person they love the most, eh, swerteng-swerte na ‘ko na 17 years with my world, my universe, ‘di ba?

“So, whatever time, whatever God gives us, blessing na ‘yun,” pahayag ni Bimby.

Of course, matagal din daw bago niya natanggap ang kundisyon ng kanyang ina simula nang malaman nila ito in 2018.

“It took me a few years to really accept, to really accept lang, took me like what, two years to accept and after acceptance, you learn to surrender lang,” he said.

Kaya ngayon ay ine-enjoy na lang niya ang bawat araw na kapiling niya ang mommy niya at ang bawat paggising nito sa umaga.

“Na laughing si mama, and you know, that’s the best thing that I hear every day, ‘yung laugh ni Mama. At saka ‘yung the feeling I have when I’m with my mom is indescribable, eh.

“You really can’t explain. Parang I really can’t explain how much I love my mom. Parang above words na ‘yan, eh,” sabi pa ng bunsong anak ni Kris.

Bilang anak, siyempre ay natataranta rin siya kapag nakikita niyang hindi maganda ang kalusugan ng ina o kapag nanghihina ito.

“May mga gano’n. Pero siyempre naman, hindi ako Diyos. I can only do so much to alleviate her, to help her, ‘di ba? Pero at the end of the day, I can’t fully take it away, ‘di ba? Kasi, tao lang ako, tao lang si Mama, so what can I do? All I can do is love her, support her, take care of her,” ani Bimby.

“Siyempre naman, there are those moments na parang naaawa ka nang sobra kay Mama, but I know that kaya ‘to ni Mama. Alam ko ‘yun. Kaya ‘to, wala lang ‘to kay Mama,” sey pa ni Bimby.

Natanong din siya tungkol sa love life ng kanyang ina at kinumpirma niyang break na talaga ang Mama niya at si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

“He has always been respectful, he’s always been nice to me, my brother, my family in general. But since before Mom’s birthday, they’re not together na,” saad ni Bimb.

“Wala na. You know, ‘pag long distance siyempre, mahirap at saka just a lot of things,” aniya pa.

With the blessings of her mom, sinabi rin naman ni Bimby na may bago nang boyfriend ang ina.

“He’s a very good guy,” paglalarawan ni Bimby sa bagong dyowa ni Kris na isang doktor.

“Medyo makulit lang, but very good guy,” sey ni Bimby sabay tawa.

Naloka naman si Kris sa sinabi ng anak at sinaway na niya ito. Panay naman ang tawa ni Bimby.

AUTHOR PROFILE