Kris

Bimby ayaw na sa showbiz, gustong maging lawyer

April 29, 2025 Aster Amoyo 76 views

Kris1Kris2Kris3LAST April 19, 2025, Kris Aquino and her ex-husband’s only son James `Bimby’ Aquino Yap, Jr. turned 18 and he promised himself na gusto niyang maging lawyer. Hindi rin isinasantabi nito ang planong pagpasok sa politics balang araw tulad ng kanyang maternal grandfather, ang namayapang si dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino, his maternal grandmother na naging Presidente na si dating Pangulong Cory Aquino at ang kanyang maternal uncle na si dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang kamag-anak. Konsehal naman ng San Juan ang kanyang biological father na si James Yap, Sr.

Although priority kay Bimby ang pag-aalaga sa kanyang ailing mother, ang Queen of All Media na si Kris Aquino, gusto rin niyang mag-aral ng college and he wants to take up Law Management.

Hindi priority sa kanya ang showbiz which was his earlier plans nung sila’y nasa Amerika pa.

On his last birthday ay hindi siya nakalimutang batiin (on social media) ng kanyang ama, ang dating basketball star-turned politician na si James Yap.

Inamin ni Bimby na matagal na umano silang walang communication ng kanyang ama kung kanino siya may tatlong half-siblings, isa sa dating karelasyon ng nito at dalawa sa kanyang longtime partner, ang Italian banker na si Michela Cazzola na sina MJ (Michael James) at Francesca. May isa ring half-brother si Bimby (sa mother side) na si Joshua (sa actor na si Phillip Salvador).

When Bimby was still a child ay nakagawa ito ng dalawang pelikula, ang “Noy” nung 2010 under Star Cinema at ang “My Little Bossings” nung 2013.

Bimby’s parents separated when he was three years old. He was four when his parents’ marriage was annulled.

Pinoy-American drag race star pumanaw

PicPUMANAW na ang Filipino-American RuPaul’s Drag Race star na si Jiggly Caliente sa edad na 44 matapos ang `severe infection’.

Bianca Castro-Arabejo ang real name ni Jiggly na nakilala matapos itong sumali sa 4th season ng RuPaul’s Drag Race.

Inamin ng pamilya ni Jiggly na bahagi ng kanyang leg had to be amputated dahil sa infection. Ito’y sumakabilang-buhay nung nakaraang linggo, April 27, 2025.

Si Jiggly ay isinilang sa Pilipinas nung November 29, 1980. Bata pa siya nang mag-move sa New York, USA ang kanyang pamilya.

Hinangaan siya ng mga hurado sa kanyang unang pagsali sa Drag Race series dahil sa kanyang sense of humor at impressive lyp-syncs.

Magmula ng magsimula ang Drag Race series nung 2009, the reality show has been hit by the deaths of RuPaul’s Drag Race UK stars Cherry Valentine (28) at The Vivienne (32) maging ang US competitors na sina Shara Davenport (27) at Chi Chi DeBayne (34).

Si Jiggly ay isa sa mga regular judges ng Drag Race Philippines.

Alden masuwerte ang maapangasawa

AldenAlden1TIYAK na aabangan this June 2025 ang bagong reality dance show na nakatakdang i-host ng Kapuso prized actor na si Alden Richards, ang “Stars on the Floor” kung saan ang mga kasaling pairs ay mga TV stars and talents at magmumula the digital world.

Matagal-tagal na ring panahong hindi naghu-host si Alden sa telebisyon and his upcoming hosting job for a dance show excites him no end.

Mag-participate kaya ang GMA Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na parehong good dancers?

Samantala bukod sa kanyang pagbabalik sa hosting job sa telebisyon ay hahanapan din ng singer, actor, producer, director at entrepreneur ng oras ang kanyang pag-aaral na maging isang licensed pilot. Nakatanggap si Alden ng scholarship sa Alpha Aviation School in Clark Freeport Zone in Mabalacat, Pampanga.

Ang dating pangarap na maging isang piloto ng kanyang amang si Richard Faulkerson, Sr. ay siya na ang tutupad para sa kanya.

The box office actor will also try his luck sa pagdidirek ng pelikula in collaboration with Viva.

Kung sino man ang magiging girlfriend and eventually mapapangasawa ni Alden ay napa-suwerte dahil bukod sa pagiging mabait, family-oriented at responsible nito, kayang-kaya na nitong bumuo ng pamilya dahil isa rin siyang successful businessman at in-demand celebrity endorser.

Hindi man inabot ng kanyang namayapang inang si Rosario ang kanyang kasikatan at pagiging isang matagumpay sa kanyang karera, naniniwala si Alden na patuloy siyang ginagabayan nito sa lahat ng pagkakataon.

It was Alden’s late mom who encouraged him na pumasok sa showbiz.

Alden’s mom passed on nung 2008 dahil sa pneumonia. Ang kanyang urn na naglalaman ng kanyang ashes ay prominently displayed sa isang area ng second floor ng kanilang bahay kung saan may naka-hang na malaking frame ng kanyang ina.

Billy bakit ibinenta ang award?

BillyMARAMI ang nagulat nang ibenta ng Fil-American singer, actor at host na si Billy Crawford ang kanyang double platinum award for singing the theme song ng first Pokemon movie sa halagang P1M kay Jayson Lizadas na mas kilala as Boss Toyo, ang kilalang Pinoy Pawnstar, rapper, negosyante at social media influencer.

Ganoon na raw ba ang matinding pangangailangan sa pera ng mister ni Coleen Garcia?

Priceless at invaluable dapat ang isang parangal o award, then why sell it?

Marahil ay may sarling rason si Billy kung bakit niya ibinenta ang isa sa kanyang mga natanggap na parangal.

Muling mapapanood si Billy bilang host sa 3rd season ng “Masked Singer – Pilipinas” on TV5 na tatampukan ng mga kilala at professional singers ng bansa.

Samantala, Billy and his wife Coleen Garcia are expecting their second child soon. Ang kanilang panganay na si Amari ay 4 years old na.

Julia mapapanood sa bagong series, magiging abala rin sa ibang projects

JuliaJulia1MULING mapapanood si Julia Barretto sa Kapamilya Channel sa pamamagitan ng isang bagong thriller seriesna pinamagatang “What Lies Beneath” kung saan niya kasama sina Bela Padilla, Janella Salvador, Charlie Dizon, Jake Cuenca, Jameson Blake at JM de Guzman.

Taong 2018 pa huling napanood si Julia sa isang serye ng ABS-CBN sa pamamagitan ng “Ngayon at Kailanman” at sa “I Am You” ng iWant TFC.

Excited din si Julia sa kanilang reunion project ng writer-director na si Antoinette Jadaone sa isang bagong movie, ang “Hello Heaven”. They first worked together nung 2017 sa pamamagitan ng romantic-comedy movie na “Love You to the Stars and Back” na pinagtambalan nila ng kanyang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si Joshua Garcia.

May lumutang ding balita na si Julia umano ang napipisil na mag-host ng reality talent show ng TV5, ang “Artista Academy” which was originally hosted by Cesar Montano and Marvin Agustin nung 2012. Ang nasabing reality show ang pinagmulan ng mag-asawa na ngayon na sina Sophie Albert at Vin Abrenica, Shaira Diaz (now a Kapuso star) and Mark Newman.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE