Default Thumbnail

Bilang ng lugar na nagsususpinde ng face to face classes, nadagdagan pa

April 2, 2024 People's Tonight 60 views

PATULOY na nadadagdagan ang bilang ng mga lugar sa bansa na nagsuspinde ng face to face classes dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Nino phenomenon.

Sa National Capital Region o NCR, kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ang Quezon City, Muntinlupa at Navotas.

Ipinauubaya naman ng lungsod ng Maynila sa mga school principals ang desisyon sa pagsuspinde ng klase.

Suspendido din ang klase sa Dagupan City at Calasiao, Pangasinan sa Region 1; Polangui Albay sa Region 5; Iloilo City, Kabankalan City, Silay City, Himamaylan City, Bago City, Bacolod City at Negros Occidental sa Region 6.

Ilang paaralan din sa Region 8 at 9 ang nagdeklara ng suspension of classes. Kabilang dito ang Maasin Central School sa Maasin City; Pagadian City Pilot School at Buenavista Integrated School sa Zamboanga City.

Sa Region 12, nagdeklara din ng suspension of classes ang mga mga bayan ng Banga, Tantangan, General Santos, Palomolok, South Cotabato, Sultan Kudarat at Maasim, Saranggani.

Sa Sultan Kudarat, magtatagal ang suspensiyon ng klase hanggang April 15 .

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Department of Education o DepEd deputy spokesperson Asec Francis Bringas na maaring lumipat sa alternative modes of learning ang ma paaralan upang maiwasan ang epektong dulot ng labis na init ng panahon.

AUTHOR PROFILE