Victim

Biktima ng human trafficking, torture sa Myanmar nakauwi na

June 18, 2024 Jun I. Legaspi 161 views

NAPAUWI na sa bansa ang isang lalaki na nirecruit bilang Customer Service Representative sa Myanmar, nitong Biyernes.

Ayon sa Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang lalaki ay bumiyahe bilang turista sa Macau upang bisitahin ang kanyang kapatid.

Nakilala umano niya sa pamamagitan ng Facebook group para Filipino community sa Macau, ang nangumbinsi sa kanya para sa sistema ng biyahe kung saan natuklasan na ang flight nya ay inisponsoran ng Chinese company mula Macau hanggang Bangkok saka nagbarko patungong Myanmar.

Inihayag ni BI Immigration Commissioner Norman Tansingco na nakaranas ng physical torture ang biktima na isinalang sa electric shocks, hindi pinakain at sapilitang pinagtrabaho nang walang sahod.

Makaraan ang kalahating taon, inilipat pa ang biktima sa isa pang kumpanya kung saan siya nakaranas muli ng pang-aabuso at pagtatrabaho ng 16 na oras kada araw.

Sa kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, isang Chinese colleague ang kanyang binangga dahilan upang mapatalsik siya sa kumpanya at pinabyahe pabalik ng Bangkok.

“May this be a stern reminder to all Filipinos: Do not entangle yourselves in illegal job offers in abroad. Avoid any shortcuts that might seem convenient but are fraught with danger,” saad ni Tansingco.

“The promises of better opportunities can end up in nightmare of abuse, exploitation, and even death,” dagdag ng opisyal.

AUTHOR PROFILE