BI Source: Bureau of Immigration

Biktima ng fake marriage scheme naharang sa MIA

July 25, 2024 Jun I. Legaspi 411 views

ISA na namang biktima ng fake marriage scheme patungong China ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Mactan International Airport, nitong July 23.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI)’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), ang 23-anyos na biktima ay nagprisinta ng mga dokumento para sa pagsakay sa China Eastern Airlines flight upang bisitahin ang kanyang asawang Chinese.

Nakapagpakita naman ang biktima ng genuine Philippine Statistics Agency (PSA) marriage certificate at civil registrar’s certificate, at iginiit na ikinasal sila nooong March 2024 at ang iniharap din ang Commission on Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program certificate.

Gayunman, nagduda ang mga tauhan ng BI dahil sa mga inconsistencies sa kanyang statement at mga dokumento.

Kinalaunan ay inamin din ng biktima na walang actual wedding na naganap at napatunayan din na ang Kanyanng CFO certificate ay peke.

Sa pahayag ng babae, lahat ng kanyang dokuemnto ay inasikaso ng kanya umanong Chinese na asawa sa pamamagitan ng isang agent.

Samantala, isa pang 20-anyos na babaeng biktima ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 na hinihinala ring mail order bride kasama ang kanyang Chinese escort.

Tinangkang umalis ng Pinay lulan ng Xiamen air flight patungong Chengdu, China kasama ang Chinese escort na nagpakilalang asawa nito.

Ipinakita rin nila ang genuine PSA marriage certificate at larawan ng kanilang kasal.

Subalit kinalaunan inamin ng biktima na isang fixer ang nag-ayos ng kanilang marriage documents kapalit ng P45,000.

“Wala tayong nakitang mabuting resulta nito. Those who were victimized end up penniless, enslaved without pay by their pseudo partners. Let us protect ourseves by making sure that we only work abroad through legal means,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.

AUTHOR PROFILE