Default Thumbnail

Bikers pwede na sa Intramuros

June 21, 2024 Jun I. Legaspi 73 views

MALAPIT nang maranasan ng mga siklista at turista ang ganda ng Intramuros dahil tapos na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawak ng bike lane sa lugar.

Malapit nang makapagbisikleta ang mga siklista sa halos 19 kilometro ng ligtas na daan. Noong Marso sinimulan ng ahensya ang construction ng 9.6- kilometrong bike lanes.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport Non-Infrastructure Jose Lim IV, makikinabang ang iba’t-ibang stakeholders sa pagpapalawak ng mga bike lane.

“These bike lanes stand to benefit 1.9 million cyclists, tourists, students and other stakeholders,” ani Asec. Lim.

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga bike lane sa pag-akit ng mga turista sa Intramuros sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga guided tour gamit ang mga bisikleta.

Nagawa ang bike lane sa pakikipagtulungan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Intramuros Administration.

Kasama sa mga nagawa ang mga pedestrian walkway, PWD-accessible ramps, open spaces at ang apat na public transport stops.

AUTHOR PROFILE