
Bianca sobrang fangirl kay Ruru
IBINANDERA ng aktres na si Bianca Umali ang kanyang suporta at paghanga para sa aktor at nobyong si Ruru Madrid para sa bagong pelikula nito.
Pinagbibidahan ng Kapuso actor ang kalalabas pa lamang na pelikula niyang “Video City” kasama ang aktres na si Yassi Pressman.
Hindi naitago ni Bianca ang kanyang pagiging proud girlfriend para kay Ruru sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 20.
Kinilala ng aktres ang kahusayan ng nobyo sa pagganap sa nasabing proyekto at ang bunga ng kanyang dedikasyon sa trabaho.
“So proud of my man, @rurumadrid8 , you did such excellent work. Your dedication and commitment always pay off,” sey ni Bianca sa caption ng kanyang post.
“I will always be your #1 fan and cheerleader in everything and anything that you do!” dagdag pa ng aktres.
Nagbigay naman ng matamis na komento si Ruru sa post na ito ng nobya.
“Mahal na mahal kita,” hirit ng aktor sa comment section.
Samantala, nagbigay mensahe rin si Bianca para sa katambal ng kanyang nobyo sa nasabing pelikula. Todo papuri rin ang aktres kay Yassi. Ani Bianca “wonderful” ang pagganap ni Yassi sa kanyang karakter at wala na siyang maisip na ibang makakayang gumanap na aktres maliban sa “Kurdapya” star.
“And of course, @yassipressman , you gave life to such a beautiful woman full of dreams and positivity,” saad ni Bianca.
“You were nothing but wonderful in this! I couldn’t think of any other actress for this film but you,” wika pa ng aktres.
Nagpasalamat naman sa comment section si Yassi sa papuri sa kanya ni Bianca.
“Thank you B!!!” komento ng aktres.