
Bianca Gonzalez, JC Intal nagtukaan sa Paris
SUPER sweet ng TV host-model na si Bianca Gonzalez sa kanyang asawa at former basketball player na si JC Intal para sa kaarawan nito na ipinagdiwang nila sa Paris, France.
Sa Instagram page ni Bianca ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa sa kanilang naging trip sa Paris. Ilang nga sa mga pictures ang paghahalikan nila habang nasa magandang background.
Kalakip ng mga larawan ang isang matamis na mensahe ni Bianca para sa ika-40 kaarawan ni JC.
“Your 40th birthday in your dream city. It makes me so happy that I get to be part of making your dreams come true, one bucketlist item at a time,” sey ng TV host-model.
“Thank you for everything that you are and all that you do for me, Lucia and Carmen. We love you one hundred thousand million!! Happy birthday mahal,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat naman si JC sa mensahe sa kanya ng asawa.
“Thank you for everything mahal. I love you!” komento niya.
“I love you eighty hundred one thousand,” dagdag pa ng dating basketbolista.