
BGYO masaya sa pagdami ng P-pop groups
Isa ang grupong BGYO sa featured artists ng Star Magic Spotlight press conference kung saan napag-usapan ang kanilang recent career milestone.
Ginanap ang event sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon City at doon nga ay napag-usapan ang kanilang tagumpay, lumalawak na presensya sa music scene at ang kanilang bagong music.
Kamakailan ay ni-launch ng grupo ang kanilang self-titled EP na may limang tracks, kasama na ang kanilang pinakabagong music video na “Divine.”
Nang tanungin kung handa na ba silang sumabak sa mas mature na concepts sa kanilang susunod na releases, sabi ni Nate, “We’re ready for anything, and we’re getting older din po sowe should match our feelings sa music so that it’s really us, BGYO.”
Dagdag naman ni Mikki, “And also ilang years na rin kami (four years), nag-mature na rin kami when it comes to our music and how we present ourselves.”
Ibinahagi rin ng mga miyembro na open sila sa pag-explore ng ibang fields tulad ng theater arts, gaming at acting.
Habang nagre-reflect sa kanilang experiences, sinabi ni Akira na,“First time namin (siya at JM) mag-musical (2023) sa ‘Tabing Ilog: The Musical,’ sana makapag-perform ulit (kami) sa theater arts.”
Nang tanungin tungkol sa kanilang pananaw sa mga bagong P-pop groups, sinabi ni Mikki na,
“Sobrang saya po, kasi when we started, konti pa lang. We were just so happy na there are a lot of artists that are trying to lift up OPM music around the world.”
Habang patuloy nilang pino-polish ang kanilang craft, nananatiling committed ang grupo sa pagkukuwento gamit ang musika.
Sabi ni Mikki, “More music, more performances.”
Mukhang isa ang 2025 sa pinaka-exciting na taon para sa BGYO. Lumalakas ang kanilang fanbase at ramdam ang growth nila bilang performers na tiyak na mas aabangan pa ng lahat.