
Bgy secretary timbog sa ‘lascivious conduct’
ARESTADO ang isang 61-anyos na barangay secretary dahil sa paglabag sa Child Abuse Law ng mga tauhan ng District Investigation Division ll, Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) ng Manila Police District.
Ang suspect ay natunton sa loob ng Barangay Hall sa Lungsod ng Caloocan, iniulat ng pulisya.
Nakilala ang suspek na si alias Jess, may asawa, ng Mabalacat Street, 6 Avenue, Grace Park, Caloocan City.
Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-2 , SMaRT ng MPD, bandang 3:15 p.m. nang mahulog sa bitag ang nasabing barangay secretary sa mismong Barangay Hall ng Brgy 111 Zone 10 ng District ll sa Caloocan.
Bitbit ng mga tauhan ni Major Samonte ang warrant of arrest sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy chief ng SMaRT, kasama sina Police Major Val Valencia at Police Captain Edgar Julian.
Ayon sa pulisya, ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Barbara Aleli Hernandez Briones, ng National Capital Judicial Region, Branch 1 , dahil sa paglabag sa Section . 5 (B) ng R.A. 7610 (lascivious conduct)na may petsang May 9, 2023.
Inutos ng korte na maglagak ng piyansang P200,000 ang suspek para sa pansamantala nitong paglaya.