Default Thumbnail

Bgy chief 10 taong kulong!

October 22, 2023 Gemi Formaran 186 views

Sa pagmolestiya ng 3 batang lalaki.

LUCENA CITY — Isang incumbent barangay chairman ng Lunsod na ito ang nahatulan ng ‘guilty’ sa pangmomolestiya sa tatlong menor de edad na mga batang lalake.

Ang nasabing barangay captain ay hinatulan sa kasalanang ‘lascivious C]conduct’ ni Judge Aristotle Reyes ng Branch 15 Family Court ng Fourth Judicial Region noong Oct. 2.

Ang barangay chief ay kinasuhan ng tatlong magkakahiwalay na paglabag na Sec. 5 (b) ng Republic Act No. 7160 o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for Other Purposes na isinampa ng tatlong menor de edad. Isa sa biktima ay 15 anyos habang ang dalawa ay 16 taong gulang, pawang mga residente din ng Bgy. Ilayang Talim.

Ayon sa tatlong biktima, sila’y minolestiya sa magkakahiwalay na insidente noong June 4, 2017; Sept. 7, 2018; at Dec. 10, 2019.

Lahat ng tatlong kasong kriminal na inihain laban sa barangay captain ay naggigiit na siya’y gumamit ng dahas at pananakot na ipinasok ang kamay sa loob ng short pants ng tatlong biktima na kinapa ang mga ari at ginawan ng pang-aabusong sekswal.

Sa kanyang desisyon, sinabi ni Reyes na ang mga ginawa ng kapitan ay may mga tatak ng lascivious conduct. Noong June 4, 2017, kinaladkad umano ng na-convict ang isang biktima malapit sa Barangay Health Center, hinubaran at umano’y sinupsop ang ari. Noong Sept. 7, 2018, ipinasok umano ng kapitan ang kanyang kamay sa loob ng pantalon ng kanyang ikalawang biktima at hinimas ang ari nito. Noong Dec. 10, 2019, pinaghahalikan ang katawan ng ikatlong biktima, hinubaran at pinaghihipuan at sinupsop ang ari nito.

Ipinahayag ni Reyes na ang tatlong biktimang kabataan ay dumaan sa pananakot nang ginawan ng pang-aabuso.

Hinatulan ni Reyes na ‘guilty beyond reasonable doubt’ ang akusado at pinatawan ng pagkabilanggo ng 10 taon, 2 buwan at 21 araw bawat isa sa 3 kasong kriminal na isinampa laban sa kanya – Criminal Case No. 2021-683; Criminal Case No. 684; at Criminal Case No. 690.

Inatasan din ang kapitan na magbayad sa bawat isang biktima sa tatlong kaso ng tig-P50,000 bilang civil indemnity, P50,000 bilang moral damages at P50,000 bilang exemplary damages.

AUTHOR PROFILE