Gary

BF NG PAMANGKIN, NAG-PROPOSE SA CONCERT NI GARY V!

November 4, 2023 Vinia Vivar 419 views

Isang espesyal na tagpo ang nasaksihan ng lahat ng taong nanood ng Gary V: Back at the Museum concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa Music Museum last Friday.

Sa kalagitnaan ng concert, habang kinakanta ni Gary ang Kailangan Kita ay biglang nag-propose sa pamangkin niyang si Lesley Martinez ang boyfriend nitong si Prince Rivero.

Si Lesley ay anak ng veteran actor na si Leo Martinez na asawa naman ng kapatid ni Gary V. na si Gina Valenciano-Martinez.

Isa kami sa mga nakasaksi sa proposal at nagulat na lang kami nang biglang tumayo si Prince at lumuhod kay Lesley.

He then asked with a ring on his hand, “Will you marry me?”

Lesley said “yes” at masayang nagpalakpakan ang audience.

After the engagement, sinabi ni Gary na alam nila ang plano ni Prince (except for Lesley, of course!) at masayang-masaya siya para sa dalawa.

Anyway, last Friday’s concert was a blast. Wala pa ring kupas si Gary, sa totoo lang at talagang wala pa ring papalit sa kanya bilang Mr. Pure Energy.

Ibang lebel pa rin ang energy niya even after all these years.

Gary V. performed his OPM hits including Hataw Na, Di Bale Na Lang, Eto Na Naman, Sana’y Maulit Muli at marami pang iba.

Ang naturang show din ang ika-100th solo concert niya sa Music Museum.

At sa mga hindi nakapanood ng concert, Gary announced na due to insistent public demand ay extended ang Gary V: Back at the Museum.

He’ll be having his last two shows on November 30 and Dec. 1.

AUTHOR PROFILE