Default Thumbnail

Bf abroad di nakipagbati, bebot nagbigti!

March 7, 2023 Jonjon Reyes 464 views

ISANG bebot ang pinaniniwalaang nagbigti matapos magtapos sa hiwalayan ang kanyang away-bati na relasyon sa kanyang kasintahan.

Ang 35-anyos na empleyada ay natagpuan umanong nakabigti sa kanyang silid sa pangalawang palapag ng bahay sa Herbosa Street, Tondo, Manila, Lunes ng umaga.

Base sa ulat na isinumite ni Det.Sir Christian Joseph Pineda kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 9:40 a.m.nang madiskubre ang umano’y pagpapatiwakal ng dalaga.

Ayon sa nakadiskubre, isasabay niya umano ang dalaga sa pagpasok sa trabaho ngunit walang sumasagot sa tinutuluyan nitong kwarto makaraang ilang beses nitong kumatok sa pintuan.

Nang sipain ng saksi ang pintuan ay nadiskubre niyang nakabigti ang babae gamit ang extension wire.

Sa masusing interogasyon ni Det.Pineda sa mga kasamahan nito sa trabaho ,diumano’y may kasintahan ang biktima sa abroad, at palagi umano silang nag-aaway kapag naka -video call.

Dahil dito, nagpasiya ang lalaki na maghiwalay na lamang sila, na siya umanong masyadong dinamdam ng dalaga.

AUTHOR PROFILE