Nadine Larawan: Nadine Lustre/IG

Best view

April 6, 2025 People's Tonight 153 views

NAPA-WOW na naman ang madlang pipol kay Nadine Lustre. Walang pasabi, walang caption—pero isang larawan lang ang kailangan para yumanig ang social media.

Walang kahirap-hirap, pero todo ang pasabog!

Sa kanyang latest post, nakabalandra ang kanyang effortless island goddess aura — suot ang isang puting bra at hapit na denim pants habang backdrop ang napakagandang sunset sa Siquijor!

Agad na nagliyab ang comment section! Isang fan ang nagbansag sa kanya bilang “Isa sa mga Latina Slayer ng Pinas!” Samantalang ang isa, tila nagkaroon ng identity crisis at napaamin ng “Bi ako pagdating sayo!”

Ganoon kalakas ang impact ni Nadine. Samantala, isang simpleng pero matinding banat naman ang tumatak—”best view.” Aba, sunset ba ang tinutukoy o si Nadine mismo? Hindi na bago kay Nadine ang pagiging head-turner, pero tila hindi pa rin sanay ang netizens sa kanyang all-natural na alindog!

AUTHOR PROFILE