
Benjie, bagong co-host sa ‘Negosyo Goals’
Mag-uumpisa na ang ikatlong season ng Negosyo Goals with Anna Magkawas produced by Makers Mind Media sa bago nitong tahanan sa GTV.
“I am confident na mas mapapansin na ngayon ang vision ng Negosyo Goals,” sabi ng producer na si Ivy Ataya. “Kung bakit namin siya pinaghirapang ituloy. Sana mas maikalat ang vision and mission ng Negosyo Goals.
“Maganda namang nagtapos ang contract natin sa AllTV. We are very grateful sa AllTV. Gusto lang namin makapasok din sa network na may malaking reach sa audience, across the Asia-Pacific,” patuloy niya.
Kasama na sa show ang bago nitong co-host na si Benjie Paras.
“We need to introduce the new concept that we want to present, first to Miss Anna and Benjie, before the audience,” pahayag ni Ivy.
“We need to balance the show, with a co-host this time. I considered Sir Benjie kasi hindi naman siya sapaw, hindi rin siya kulang. Sobrang ideal ‘yung tandem nilang dalawa ni Miss A.
“When we presented the concept to her, happy agad siya. Big smile agad. She expressed her desire to work with Sir Benj. Gusto namin malaman agad ni Miss A para maging comfortable agad siya sa co-host niya,” pahayag ni Ivy.
Nang magkita sa studio, nagkapalagayan na ng loob sina Anna at Benjie.
“Kami ni Papa Bear (Benjie), wala nang formal na introduction na nangyari, wala nang briefing nang una kaming magkita,” sabi ni Anna. “Konting kuwentuhan lang, nag-shoot na kami agad.
Hindi naman ako mahirap pakisamahan. Nakita ko din ‘yun kay Sir Benj.”
Sa pamamagitan ng engaging discussions, expert insights at experiences, nagbibigay ng kaalaman ang show sa mga manonod para magtagumpay sa negosyo.
Si Benjie, dala ang kaalaman sa maraming bagay at personal experiences sa show.
Kasama ng insights sa buhay, ibabahagi niya ang mga kwento ng tagumpay at pagkatalo na maa-appreciate ng maraming viewers.
“’Yung mga tao outside the camera dito sa Negosyo Goals, nakatrabaho ko na before,” sabi ni Benjie. “Madaling katrabaho si Miss A. I’m at home dito sa show.”
Ang Negosyo Goals Season 3 ay magsisimulang mapanood sa GTV sa Feb. 11, Sunday.