Chie Larawan mula sa IG/Chie Filomeno

Bella Hadid vibes

May 12, 2024 Vinia Vivar 247 views

HINDI naiwasang maikumpara ng netizens ang former member ng girl group na GirlTrends at aktres na si Chie Filomeno sa American fashion model na si Bella Hadid.

Nagbahagi ng mga larawan at video si Chie sa kanyang Instagram page para sa behind the scenes ng kanyang naging photoshoot sa isang cover ng magazine.

Makikita sa post na pak na pak kung umawra ang aktres sa kanyang pag-pose sa camera. Kaya nga naikumpara ito kay Bella Hadid na isang supermodel.

Suot nito ang kanyang two-piece bikini na nagpalutang sa toned body niya.

Mula sa kanyang legs hanggang sa kasingit-singitan ng kanyang katawan, panalo sa kakinisan si Chie.

Hindi lang mga kalalakihan ang nahuli ng kaseksihan ng aktres, dahil pati na ang kanyang mga kapwa bebot ay bet na bet ang ibinalandrang sex appeal niya.

Napa-react pa nga ang ilang kapwa niya aktres na sina Alexa Ilacad at Ivana Alawi.

Pati na ang aktor na si Jake Cuenca ay napa-“wow” sa wangkata ni Chie.

Dinumog ng iba pang reaksyon mula sa netizens ang nasabing post. Narito ang ilang komentong nakalap: “Real ka pa ba”, “Face and body is giviiiiingggg”, “Love kita pero amacanna siz”, “It’s giving BELLA HADID VIBES”, “Myghadd ang sexy nakakainis”, “HOLY MAMIII”, at “Ganda talaga hubog mo chie.”

AUTHOR PROFILE