
Bela, rebelasyon ang husay magpatawa sa ‘hurt-felt’ reunion movie nila ni JC
Kahit wala si Bela Padilla physically sa special press screening ng latest movie nila ni JC Santos na Wish You Were the One nitong Monday sa Viva Café, nakakonek naman siya via Zoom at nalaman niya agad ang mga positibong feedback sa movie.
“I really wish napanood ko kasabay n’yo kasi narinig ko, tawa raw kayo nang tawa riyan sa Viva Café,” masayang wika ni Bela na kasalukuyang nasa London.
Masayang-masaya ang aktres sa magagandang feedback na narinig niya from the press, influencers and vloggers na nanonood kaya naman labis ang kanyang pasasalamat.
Nagpasalamat din siya sa buong pamunuan ng Viva Films, sa direktor ng pelikula na si Derick Cabrido at siyempre sa kanyang leading man.
“Kaps (tawagan nina Bela at JC), congratulations, nakita ko ‘yung reaction n’yo after. Direk, maraming maraming salamat, panood naman ako,” sey niyang tumatawa.
Ang Wish You Were The One ay kwento nina Ellis (JC) at Astrud (Bela) na nagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon at nauwi sa pag-iibigan.
Ito ang ikalima nilang pagsasama sa pelikula at ang apat dito (100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentine’s, On Vodka, Beers, and Regrets at 366) ay sila ang magkatambal.
Nakakatawa ang mga eksena nina JC and Bela sa first half of the movie at pinatunayan dito ng aktres na may natural talent siya sa pagpapatawa.
As the story progressed, nagiging intense na ang kanilang mga eksena at naging mapanakit na, na siyang trademark ng kanilang mga pelikula.
Dahil kilala nga ang pelikula nina JC and Bela bilang mapanakit or “hurt-felt,” akala namin ay sad ending ito.
In fairness, matutuwa ang kanilang fans sa dulo, basta’t huwag lang munang tatayo at siguradong tapusin ang pelikula hanggang dulo.
Showing na sa mga sinehan nationwide ang Wish You Were the One ngayong Miyerkules.
Kasama rin sa pelikula sina Kean Cipriano, Romnick Sarmenta, Kaladkaren, Andrea Babierra at Andrew Muhlach.