Crime

Bebot todas, 2 sugatan sa ligaw na bala sa Tondo

June 17, 2023 Jonjon Reyes 319 views

DAHIL sa sobrang “galit” diumano ng gunman, pinagbabaril ang isang 39-anyos na babae, habang nasapol naman ng ligaw na bala ang dalawang lalaki, umaga nitong Sabado sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Hindi na nagawang maisugod sa pagamutan dahil sa tadtad ng bala ang katawan ng biktiman na pawang residente ng Barangay 275 sa Binondo.

Samantala, mabilis namang naisugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa tama ng ligaw na bala ang mga biktimang may edad 43 at 44-anyos, residente sa nasabing lugar.

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD) Delpan Police Station (PS) 12, bandang 9:45 ng umaga (Hunyo 17), nang maganap ang pamamaril sa isang iskinita sa Purok 3, sa breakwater sa Isla Puting Bato, Tondo.

Una nang rumesponde si Police Corporal Gary Reyes ng Delpan PS-12 saka ito itinawag sa tanggapan ni P/Cpt. Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, at patuloy pa inaalam ang motibo ng suspek na tinago sa alyas na “Raffy.”

Rumesponde rin ang grupo ng Forensic Unit ng MPD sa pangunguna ni P/Lt. Rex Manlansing upang maghagilap ng mga ebidensiya.

Gayunman, ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Body and Light Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE