Patay

Bebot pinatay sa harap ni Lord

June 4, 2024 Gil Aman 163 views

PATAY ang babaeng binaril ng hindi nakilalang gunman na bumaba sa motorsiklo sa harap ng San Isidro Labrador chapel sa Apollo St., Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal noong Lunes.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril alas-4:30 ng umaga sa tapat ng chapel ng hindi kilalang suspek na sakay din ng motorsiklo.

Nakaitim na t-shirt ang suspek, ayon sa mga pulis.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang ginamit na baril ng suspek na tumakas matapos barilin ang biktima patungo sa P. Ocampo.

AUTHOR PROFILE