QCPD

Bebot na tumatawid nasalpok, diretso sa langit

April 8, 2025 Melnie Ragasa-limena 145 views

TIGOK ang isang hindi nakilalang babae nang salpukin ng bus habang tumatawid sa EDSA busway sa Quezon City noong Martes.

Inaalam na ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Enforcement Unit (DTEU) ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nangyari ang insidente bandang alas-11:20 ng umaga sa EDSA southbound Carousel Bus Lane.

Ayon sa report, tumatawid ang biktima nang matumbok ng Golden Dragon bus na minamaneho ni Ricardo Surdilla.

Tumilapon ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Nahaharap ang biktima sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.