KILLER

BEBOT KILLER GUMAGALA!

July 30, 2023 Melnie Ragasa-limena 390 views

MAY mga saksak sa katawan at wala ng buhay ng matagpuan ang isang babae sa loob ng isang motel sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga imbestigador sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU) ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sa inisyal na report ng QCPD-CIDU nadiskubre ang bangkay ng babae sa loob ng 233 ng Nice hotel na matatagpuan sa Arayat St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, 1:45 ng umaga, Hulyo 30, 2023.

Ayon sa report, isang room boy ng nasabing motel ang nakapansin ng mga bahid ng dugo mula sa fire exit hanggang sa kuwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

Agad pinagbigay alam ng nasabing room boy sa kaniyang manager ang kaniyang nakita.

Tumambad sa kanila ang isang duguang bangkay ng babae ng mabuksan ang kuwarto.

Hindi na rin umano nakita sa loob ng kuwarto ang lalaking kasama ng biktima nang mag chek in sa motel.

Posible umanong sa fire exit tumakas ang salarin dahil sa mga tigmak ng dugo na nakita dito.

Nagtamo ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima ayon sa pulisya.

Tinutugis naman ng pulisya ang lalaking kasama ng biktima nang mag-chek in sa nasabing motel.