![Patay](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2024/06/Patay-9.jpg)
Bebot ‘ikinasal’ kay Kamatayan
HINDI na umabot ng buhay sa kasal niya ang 36-anyos na bebot na namatay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa intersection ng Pedro Gil at Madel St., Sta. Ana, Maynila noong Biyernes
Nakilala ang nasawi na si Angela at ang kanyang kasama na sugatan din sa aksidente na si Bryan Aguas, 37.
Sa kabilang motorsiklo, nakilala ang delivery rider na si Jaypee Victorino, 40, na mabilis din naisugod sa Philippine Orthopedic Center.
Bandang alas-2:30 ng hapon naganap ang banggaan ng dalawang motorsiklo habang binabaybay ni Aguas ang eastbound lane ng Pedro Gil St.
Pagsapit sa corner ng Madel Street biglang sumulpot sa harapan nila ang motosiklo ni Victorino at nagsalpukan ang dalawang motorsiklo.
Natumbok ang babae kaya tumilapon pa ng ilang metro sa kalsada na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa nahaharap ang mga rider sa kasong Homicide with Damaged to Property.