![Posas](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/08/Posas.jpg)
Bebot huli sa P1.1M shabu
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nalambat ng mga otoridad noong Huwebes ang isang babae dahil sa pag-iingat ng halos P1.2 milyong shabu sa Brgy. Alangilan, Batangas City, ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr.
Nahuli si alyas Angelita sa pangunguna ni P/Capt. Ragemer Hermidilla, ayon sa report.
Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang apat na sachet na may lamang 175 gramo ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P1,190,000; marked money na nagkakahalaga ng P300,000, 299 piraso ng pekeng pera, isang itim na sling bag, isang cellphone at cash money.