Beauty

Beauty, bet sumabak sa comedy kasama si Michael V

June 12, 2021 Ian F. Fariñas 482 views

PORMAL nang ipinakilala bilang pinakabagong Kapuso talent ang dating Kapamilya na si Beauty gonzalez.

Pumirma si Beauty ng kontrata sa GMA Network nu’ng Biyernes at sa virtual mediacon, sinabi ng aktres na excited siya sa pagkakaroon ng bagong tahanan, bagong adventures kasama ang ilang malalaking artista ng istasyon.

“Ang dami, naku, marami akong gustong makatrabaho. Unang-una na riyan si Alden Richards, Dingdong Dantes, Dennis Trillo and also Heart Evangelista, Lovi Poe, Jennylyn Mercado. Marian Rivera, of course!” banggit ni Beauty.

Dagdag niya, “And directors also, I want to work with a lot of directors also from GMA.”

At dahil mas tumatak siya sa madadramang teleserye ng ABS-CBN gaya ng Kadenang Ginto, natanong ang aktres kung anu-anong proyekto ang handa niyang gawin sa GMA.

Ayon sa kanya, bet niyang subukan ang pagku-comedy dahil lingid daw sa kaalaman ng marami, may rhythm at comic timing din siya.

Isa pa, idolo raw niya si Michael B bilang matagal na siyang nanonood ng gag show nitong Bubble Gang.

Maliban dito, bukas naman si Beauty sa lahat ng klase ng proyektong iaalok sa kanya ng Kapuso channel.

“I can do all,” aniya, sabay sabi na ibang Beauty Gonzalez na ang mapapanood ng televiewers ngayong isa na siyang Kapuso.

“Change is good,” susog ng aktres.

“Action, fight scene, kaya ko ’yan. Sampalan, back-to-back iyakan, comedy, I can do everything. I’m excited for this new adventure and career growth,” banggit pa ni Beauty.

Sa ngayon, meron nang nakahandang assignment ang aktres, ang dramang Stories from the Heart: Loving Miss Bridget, kung saan ang kanyang makakapareha ay isang mas batang aktor sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix Jr.

Kwento ni Beauty, hindi pa pwedeng pangalanan ang makaka-partner niya at kasalukuyan pang kina-cast ang iba pang magiging miyembro ng cast.

Diin ng aktres, “I’m excited to play this new character. I love the script, I love the flow of the story.”

Ayon naman sa GMA Entertainment Group vice president na si Lilybeth Rasonable, bukod sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridget, magiging bahagi rin si Beauty ng isa pang malaking project kasama ang ilang malalaking artista ng Kapuso network.

AUTHOR PROFILE