Tulfo DSWD Sec. Erwin Tulfo

BDO refund dapat lang

December 15, 2021 People's Tonight 568 views

TulfoNARARAPAT lang daw talaga na bayaran o ibalik ng Banco De Oro (BDO) ang mga nawala o nanakaw na pera ng mga kliyente nila mula sa online banking scam.

Matagal na kasi ang mga reklamo na yan pero ayaw tanggapin ng nasabing bangko ang pagkukulang nila bagkus, ang mga kliyente pa nila ang sinisisi nila dahil hindi raw naging maingat.

Kadalasang palusot daw ng BDO sa kanilang mga kliyente, “Binigay nyo kasi ang inyong OTP (one time pin) o pin number.”

Ang tanong tuloy ng mga kliyente nila, “E papaano kung hinihingi nga ng merchant o tindahan ang OTP”?

Yung isang complainant nga raw nagtaka dahil ayaw tanggapin ang kanyang pin ng online store dahil “invalid” daw.

Kaya dali-dali niyang pinalitan sa mIsmong BDO online banking hotline ang kanyang pin number.

Makalipas ang 12 oras o alas tres ng madaling araw kinabukasan, nalimas ang kanyang naipon na P150,000 sa BDO sa tatlong kuwestiyunableng online transaction habang tulog siya.

So, katulad ng nasabing complainant sa itaas, Wala naman siyang ginawa para makuha ang kanyang ng kawatan kaya dapat lang isoli ang natangay na P150,000 niya.

Ang problema kasi daw kulang sa “safety procedure” ang BDO pagdating sa pangangalaga ng mga pera ng kanilang mga kliyente.

Salamat naman at inamin finally ng bangko na na-hack amg kanilang system noong nakaraang araw.

Kung hindi pa siguro naglabasan sa social media ang mga nabiktima baka patuloy pa ring sinisisi ng BDO ang mga kliyente nila para hindi sila magrefund o magbayad.

Naway maging leksyon ito hindi lang sa BDO kundi sa lahat NG bangko na alagaan ang pera ng kanilang mga kliyente. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE