
Bawang, luya, sibuyas production gusto dagdagan ng DA ng 20%
BALAK ng Department of Agriculture (DA) na dagdagan ng 20 porsyento ang produksyon ng bawang, luya at sibuyas sa susunod na taon para magkaroon ng pagkakataon ang mga konsyumer na makabili ng iba’t-ibang klase ng pangrekado.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Cheryl Marie Natividad-Caballero, layunin ng hakbang na bigyang pagkakataon ang mga magsasaka na lumaki ang kanilang kita.
Sinabi pa ni Caballero na dapat lang bigyang halaga ang mga native na bawang dahil ang isang butil nito mas malasa kaysa sa mga imported na malaking bawang.
“Kinikilala na ng ibang bansa ang kakayahan ng mga bawang na galing sa Ilocos kaya’t kinakailangan suportahan ang mga magsasaka para matiyak na ang mga planting material nito hindi magamit sa ibang bansa,” ayon sa opisyal
Batay sa Philippine Statistics Authority, umaabot lamang sa 2.6 porsiyento ang taunang demand sa produksyon ng bawang na may kabuuang 146,879 metriko tonelada.
Ilocos Norte, Batanes at Nueva Ecija ang mga probinsiya na top three producer ng bawang.
Ipaliwanag pa ni Caballero na noon pang Marso inatasan na ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang mga regional offices sa Region ll na bumili ng maraming bawang mula sa Ilocos Norte at Batanes para ipamahagi sa mga magsasaka bilang planting material.
Para sa mga luya at sibuyas, minamatyagan ng DA ang pagkonsumo at supply sources ng mga ito, pati na ang gamit sa mga panrekado na ito.
Diin pa niya na mahalagang malaman ang datos upang matiyak na mag-aangkat lamang ang bansa kung nararapat lamang sa kabila ng kakulangan sa lokal na suplay ng bawang.
“If the challenge is logistics, then how do we now help those producing these spices and bring these to Metro Manila systematically,” dagdag pa ni Caballero.