Batangas

Batangas nagsagawa ng screening assessment para sa drug dependents

October 26, 2023 Jojo C. Magsombol 180 views

INILUNSAD ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACDO) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), ang limang araw na Training on the Screening Assessment of Drug Dependence for the Provisional Accreditation of Physicians sa Provincial Sports Complex sa Bolbok, Batangas City.

Labing-isang municipal health at medical officers ang dumalo sa okasyon mula sa Batangas City, Tanauan, Malvar, Lemery, Alitagtag, Mabini, Lian, Ibaan, San Nicolas, San Luis at Mataas na Kahoy.

Tinalakay sa pagsasanay, na ginanap mula ika-16 hanggang ika-20 ng Oktubre 2023, ang mga polisiya sa drug abuse treatment at rehabilitation.

Kasama din sa tinalakay ang mga paksa ukol sa pag-unawa sa drug dependence at mga termino na sumasaklaw sa kalusugan ng kaisipan at katawan ng mga drug dependants sa lalawigan.

Bahagi din ng programa ang pagsasanay sa mga municipal health officers sa tamang pagsasagawa ng comorbidity assessment, basic motivational interviewing, court report writing at appearance and transcript.

Inaasahang makatutulong sa mga health professionals na maisagawa ang mga kinauukulang aksyon ng lalawigan upang matutukan ang mga isyu ng adiksyon sa droga, partikular sa mga kabataan, ang mga itinakdang skill set sa mga pagsasanay na ginanap.

AUTHOR PROFILE