Batangas

Batangas City binigyan ng highest rating ng COA

June 14, 2024 Jojo C. Magsombol 129 views

BATANGAS CITY–Ginawaran kamakalawa ng Unmodified Opinion ng Commission on Audit (COA) ang Batangas City.

Ito ang pinakamataas na rating na ipinagkakaloob ng COA na nag-audit ng mga accounts at gastusin ng gobyerno para matiyak na nagagamit ang pondo ng tama at para sa mga layuning itinakda.

Nakamit ng city government ang naturang rating mula sa 2023 Annual Audit Report (AAR) kung saan napatunayan na nakakasunod sa high standards at rules and regulations ang financial records at financial statement ng lokal na pamahalaan.

Malaking puntos sa natanggap na Unmodified Opinion rating ang “one-time cleansing” ng Property, Plant and Equipment (PPE) na pinangunahan ng City Accounting Office at General Services Department (GSD) kasama ang City Planning and Development Office (CPDO), City Engineer’s Office (CEO), City Assessor’s Office at City Legal Office.

Personal na tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha ang ulat mula kina COA Regional Director Atty. Chona Labraque, City Auditor Aaron Francis Vegas at COA Supervising Auditor John Arvin Atie, City Accountant Sherryl Bool, GS Officer Joyce Cantre, City Environment Officer Oliver Gonzales at City Budget Officer Manolo Perlada.

AUTHOR PROFILE