
Bataan may bagong DPWH district engineer
ORANI, Bataan — Isang bagong district engineer (DE) ng Department of Public Works and Highways (Bataan 1st engineering district) ang na-designate sa katauhan ni Engr. John Paolo S. Tan.
Bago sa kanyang appointment bilang DE noong Lunes, si Engr. Tan ay assistant district engineer Pampanga’s West district.
Tinaguriang pinakabatang ma-assign na DE sa rehiyon, si Engr. Tan ay 33 years lamang pero punong puno na ng karanasan at kaalaman sa pag- implement ng government infrastructure projects.
Nangako siyang maglingkod sa abot ng kanyang makakaya upang paglingkuran ang mga taga Bataan particular na sa development of infrastructure projects dito.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Engr. Tan kina outgoing congresswoman Geraldine Roman at congressman-in-waiting Atty. Roman ng Bataan’s 1st district sa pagbigay sa kanya ng pagkakataon na magsilbi sa Bataan.