Default Thumbnail

‘Bastos’

January 29, 2024 People's Tonight 515 views

Gil BugaoisanKAMAKAILAN ay umeksena na naman itong si Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez na matagal ding panahon na nagmumukmok matapos sipain sa Kamara bilang Speaker. Tameme kasi ngayon si Alvarez at nawalan na ng yabang.

Ikaw ba naman ang sipain ng sarili mong mga kasamahan na akala mo noong una eh mga BFF mo. Napakasakit di ba?

Nitong nakaraang linggo nga eh nagbitaw ng mga maaanghang na salita itong si Alvarez laban kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Kung ano-anong masasamang salita ang lumabas sa kanyang bibig na parang wala itong pinag-aralan.

Napakabastos magsalita na akala mo eh napakatinong tao.

Sabi nga nila, don’t throw stones if you live in a glass house pero kung magsalita itong si Alvarez laban kay Speaker at sa Charter change ay akala mo di siya naging pasimuno nito.

Baka naman nag uulyanin na rin siya kaya hindi na niya matandaan na siya pa ang Speaker at presiding officer noong aprubahan ng Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses 01 na nagsusulong ng pagbabago sa 1987 Constitution.

Mas matindi pa nga ang gustong mangyari nitong si Alvarez dahil sa halip na economic provisions lang ang babaguhin ay nais pa niyang baguhin ang porma ng pamahalaan at palawigin ang termino ng mga elected officials.

Ang tanong ay kung noon eh gusto ni Alvarez ang charter change eh bakit ayaw niya na ngayon? Anong feeling niya mas matino siya kay Speaker Romualdez?

But personalities aside, malinaw naman sa ating lahat na kailangan na natin talagang baguhin ang Saligang Batas. There is no other time but now.

Hindi na dapat binibigyang-halaga ang gaya ni Alvarez dahil napakalinaw ang mandato na ibinigay ng sambayanang Pilipino para sa Pangulong BBM.

The President should use this mandate to rally the people to finally correct the restrictive economic provisions of the 1987 Constitution.

Napapanahon na rin siguro para maningil ang Pangulo sa binitiwang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri na aaksyon ang Senado upang amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution. Huwag na itong magpadala sa mga pambobola ni Migz.

Abah eh kung puro lip service lang ginagawa nitong si Migz at di naman kayang ideliver ang pangako nitong Charter change, naghihintay lang naman si Sen. Loren Legarda na baka naman mas magaling pa bilang Senate President. Ni Gil Bugaoisan

AUTHOR PROFILE