Barong GUHO–Ang ilan sa mga bahay na nagiba sa paligid ng breakwater sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Barong-barong sa Isla Puting Bato gumuho

October 2, 2023 Jonjon Reyes 392 views

Barong1LABINDALAWANG pamilya ang nawalan ng tirahan nang gumuho ang kanilang mga bahay sa gilid ng estero sa Isla Bungad, Isla Puting Bato sa Barangay 20, Tondo, Maynila noong Linggo.

Ayon sa Manila Police District-Delpan Police Station 12, naganap ang pagguho bandang 5:00 ng hapon.

Iniutos ni Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, station commander, kay Police Captain Cleo Martin Alngong na pangasiwaan ang seguridad sa lugar.

Ayon sa mga saksi, sabay sabay nag collapse ang mga barong barong kaya nahulog sa tubing ang mga residente. Walang naiulat na nasaktan sa pagguho.

Hinihinalang gumuho ang mga barong-barong dahil lumambot ang lupa dahil sa walang tigil na pag ulan nitong nakalipas na linggo.

Pansamantalang naninirahan sa Delpan Evacuation Center ang mga nawalan ng bahay.

AUTHOR PROFILE