
Barko na may 65 pasahero, crew nasunog sa Panglao
ISANG pampasaherong barko na may lulan na 65 pasahero at crew members ang nasunog sa karagatang sakop ng Panglao, Bohol nitong Linggo ng umaga.
Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap sila ng impormasyon sa pagkakasunog ng passenger- cargo vessel na MV Esperanza Star.
Ayon sa kapitan ng barko na si Captain Desiderio Labiste Jr., aabot sa 55 hanggang 65 passahero ang lulan ng barko.
Galing ang barko sa Port of Lazi , Siquijor patungo sa Tagbilaran, Bohol nang maganap ang sunog.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BRP Malamawi (FPB-2403), Coast Guard Sub-Station Tagbilaran, at Coast Guard Special Operations Unit-Tagbilaran sa insidente.
Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.