Barbie

Barbie humihingi ng tulong dahil sa tsismis sa kanila ni Richard

June 29, 2024 Eugene E. Asis 49 views

RichardHUMIHINGI ng tulong sa publiko ang aktres na si Barbie Imperial para ireport ang isang Facebook page na ayon sa kanya y nagkakalat ng mga walang katotohanang tsismis, kabilang na ang diuamno’y pagbubutnis niya sa anak nila ng aktor na si Richard Gutierrez.

Sa kanyang official Facebook page, ipinakita ng aktres ang isang screenshot ng naturang accoiunt na gumagamit ng pangalang Showbizfinds na may mahigit 119,000 followers.

Kamakailan lamang, naglabas ang naturang FB account ng mga pinagtagni-tagning larawan nina Barbie, Richard at sikat na TV host na si Boy Abunda na nagsasabing umamin na ang aktres na siya at si Richard ay nag-aabang na sa kanilang magoiging anak.

“This page is posting lies and things that I never said. Please report,” ani Barbie sa kanyang post. “Mga oragon, patabang please.”

Nag-umpisa ang tsismis tungkol kina Barbie at Richard nang makita sila sa isang gastropub na mukhang close na close.

May mga lumabas din silang mga larawan na ang background ay tila sa iisang lugar. Gayundin, ,may ,mga larawan ding naglabasan kung saan magkasama sila sa South Korea.

Ipinagtanggol naman ng vlogger at kolumnistang si Ogie Diaz ang dalawa na nagpatunay na “exclusively dating” na nga ang mga ito, pero hindi naman daw nag-overlap ito sa relasyon ni Richard sa dating asawa na si Sarah Lahbati. Matagal na ring walang karelasyon si Barbie.

Gayunman, wala pa ring opisyal na pahayag hanggang ngayon sina Barbie at Richard tungkol sa usap-usapang ito.

AUTHOR PROFILE