Barbie

Barbie dinenay ang tsikang pagbubuntis sa anak ni Richard

June 28, 2024 Vinia Vivar 42 views

Inalmahan ni Barbie Imperial ang isang balita sa Facebook na buntis siya at si Richard Gutierrez ang ama.

Sa kanyang official FB account, inireklamo ng aktres ang Showbizfinds page na nagpo-post umano ng fake news about her.

“This page is posting lies and things that I never said. Please report. Report Showbizfinds. Mga oragon patabang pls????” caption ni Barbie.

Isa nga sa posts ng nagsasabing showbiz page ay ang naghuhumiyaw na headline na “Barbie Imperial UMAMING BUNTIS sa Unang Pagkakataon! Richard Gutierrez TATAY NA!”

Nasa larawan din si Boy Abunda na pinalalabas ng nag-post na umamin si Barbie sa naturang TV host.

Nakasaad din sa post ang diumano’y sinabi ni Barbie na “Yes Tito Boy, MAGKAKABABY na kami ni Richard.”

Hinihintay namin na magbigay din ng paglilinaw si Barbie tungkol sa pagkaka-link nila ni Richard na matagal-tagal nang nagsi-circulate sa showbiz, pero up to now, wala pang pahayag ang aktres tungkol dito, ganundin din ang aktor.

Matatandaan na ibinalita ni Ogie Diaz kamakailan na exclusively dating sina Barbie and Richard.

Bukod dito ay may sightings din na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang lugar.

AUTHOR PROFILE