
Barbie di naniniwala sa ‘seven-year-itch’
Hindi naniniwala si Barbie Forteza sa tinatawag na “seven-year itch” sa magkarelasyon.
Ang seven-year itch ay isang paniniwala tungkol sa mag-asawa o magkarelasyon na kapag nasa 7th year na ang pagsasama ay nagkakaroon ng problema na pwedeng maging dahilan ng hiwalayan.
Nasa 7th year na ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto ngayon at sey ng aktres sa kanyang panayam sa show ni Boy Abunda, napatunayan naman niya na hindi totoo ang seven-year itch.
Meaning, strong pa rin ang relasyon nila ng boyfriend.
Asked kung paano nila nasu-sustain ang kanilang relasyon, sey ni Barbie, “Ang laking factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak.”
Natu-tolerate raw ni Jak ang ugali niya na tipong may pagka-Alpha (strong and successful woman) pero napapatiklop siya ng isang Jak Roberto.
“So parang pagdating sa relationship namin, napapatiklop ako nu’ng Jak, eh. Hindi ko alam kung bakit,” natatawa niyang sabi.
Sa tanong naman kung ano ang most challenging sa pitong taon nilang relasyon, ani Barbie ay quality time, lalo na nga nang magsimulang maging successful ang loveteam nila ni David Licauco at naging busy siya.
“Nakaramdam ako ng konting guilt towards him ‘coz I have to admit, hindi naman ‘to parang bago na I had to set him aside kasi nag-pick-up ang BarDa,” sey ng aktres.
Pero bilib daw siya kay Jak dahil napaka-supportive and understanding nito.
“He was very proud of me, very happy for me. Siya nga ‘yung laging nagyayayang mag-celebrate, iti-treat niya ‘ko ‘pag may bago ‘kong endorsement with David or ‘pag may bago ‘kong show with David. Talagang he sees to it na magse-celebrate kami,” ani Barbie.
‘Kaaliw naman ang sagot niya nang tanungin siya ng host ni Kuya Boy kung magkaibigan sina Jak at David.
“Sabi nila,” sambit ni Barbie sabay-tawa. “Hindi naman sila nag-uusap but I guess, they’re good.”
Papuri pa ni Barbie kay Jak, “Very secure siya sa sarili niya na he lets his woman shine kahit not with him.”
Natanong din ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ang kasal at umamin naman siya.
“Opo,” nakangiti niyang sagot. “Kinikilig nga ako kapagka nagse-send siya sa akin ng mga parang wedding videos sa Instagram. Kasi parang sabi ko, ‘ah, okay, so pumapasok sa isip niya.’”
Barbie is 26 years old while Jak is 30.
Nasa marrying age na rin naman sila talaga.