
Barbie at Diego, pareho nang naka-move-on sa hiwalayan
So, it’s finally confirmed na break na nga sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Mismong ang aktres ang kumumpirma nito sa report ni MJ Felipe ng TV Patrol.
‘Yun nga lang, hindi na nagbigay ng detalye si Barbie tungkol sa break-up pero maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.
Palaisipan naman para sa kanilang fans ang split ng dalawa dahil nag-celebrate pa ang magdyowa ng first anniversary noong first week of December at masayang-masaya pa ang mga ito.
The next thing we know, hindi na sila magkasama noong Christmas at doon na nga nagsimula ang ispekulasyon na hiwalay na sila.
Lalo itong tumindi nang bigla na lang umalis mag-isa si Diego patungong US bago mag-Bagong Taon.
Sari-sari tuloy ang ispekulasyon ng fans sa posibleng dahilan ng kanilang breakup.
May humuhula na may ibang babae si Diego at may nagsasabi rin naman na baka si Barbie ang nagloko.
Pero kung ibang babae ang dahilan ng breakup, bakit naman biglaan ang naging pag-alis ni Diego at bakit hindi niya kasama ang bago niyang girlfriend… kung meron man?
Actually, ang dating nga sa amin ng biglaang pag-alis ni Diego ay para makalimot or to mend a broken heart, parang ganu’n.
Sa totoo lang, kung pagbabasehan ang mga post nila, parang hindi naman sila na-hurt sa breakup dahil parehong masaya sila sa kanilang posts at mukhang naka-move-on sila agad-agad.
Hindi rin nila dinelete ang kanilang couple photos sa kanilang Instagram accounts, hindi tulad ng ibang mga celebrity pair na naghihiwalay.
MAS PINILING LUMAYO
Aminado si Kyle (Joshua Garcia) na may nararamdaman siya para kay Rica (Charlie Dizon) higit pa sa kaibigan o katrabaho sa Viral Scandal.
Sinabi niya sa kaibigan niyang si Axel (Jameson Blake) na mas pipiliin na lang niya na lumayo ang loob ni Rica sa kanyang kesa makadagdag sa problema nito.
Alam niya kasi na hindi niya mapipigilan ipakita ang kanyang nararamdaman dito kapag ipinagpatuloy pa niya ang pagiging kaibigan nito sa kanya.
Samantala, nahanap na nina Rica at Troy (Jake Cuenca) si Raven (Kaila Estrada) matapos niyang iwan ang kapatid sa daan.
Sa nakitang pagsisisi ni Troy sa sinapit ng anak, nag-iba nga ang tingin ni Rica sa kanya.
Sinabi ni Rica kay Kakay (Dimples Romana) na hindi na niya magawang magalit sa tunay na ama nang makita itong magpaka-ama sa kapatid.
Napapanood ang Viral Scandal gabi-gabi, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC at WeTV iflix.
Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.