Barbie

Barbie at David lalong umiinit

June 28, 2023 Aster Amoyo 501 views

Barbie1KUNG tutuusin, second lead roles lamang ang ginampanan nina Barbie Forteza (as Klay) at David Licauco (as Fidel) sa “Maria Clara at Ibarra” dahil sina Julie Anne San Jose (who played Maria Clara) at Dennis Trillo (as Ibarra Crisostomo) ang mga pangunahing bituin ng primetime historical drama series na pinamahalaan ni Zig Dulay for GMA. Pero ang characters na ginampanan nina Barbie at David ang lumutang at kinagat ng mga manonood making them the surprise loveteam bilang FiLay kahit pa alam ng marami that Barbie is in a long relationship sa Kapuso actor na si Jak Roberto.

At dahil dito, isang full length movie kaagad ang ipinagkatiwala sa kanila sa pamamagitan ng pelikulang “That Kind of Live” produced ng Pocket Media Productions na kinunan pa mismo sa South Korea. Sa pagkakaalam namin ay may isa pa silang movie na gagawin under OctoArts Films pero ito’y mauurong umano sa buwan ng September dahil mauuna muna nilang gawin ang kanilang bagong teleserye na silang dalawa rin mismo ang mga pangunahing bituin.

Habang papainit ang tambalan nina Barbie at David, hindi naman kaya maapektuhan ang relasyon ni Barbie sa kanyang totoong nobyo na si Jak Roberto?

Liza hiwalay na kay Enrique, malaki ang pagbabago

LizaLiza1NAKALULUNGKOT naman kung totoong hiwalay na ang matagal nang magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil na umabot din ng walong taon.

Malaking factor diumano sa paghihiwalay ng dalawa ang kanilang LDR (long distance relationship).

While Enrique is based in Manila, si Liza naman ay naglalagi ngayon sa Amerika to fulfill her American or Hollywood dream sa tulong ng kanyang manager na si James Reid na ex-boyfriend naman ng singer-actress na si Nadine Lustre.

Marami ang nakapuna na sobrang malaki na umano ang ipinagbago ng 25- year-old Fil-American singer-actress magmula nang ito’y lumipat sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid.

Naging controversial si Liza dahil sa kanyang pag-denounce sa Philippine loveteams kung saan siya nagsimula at nakilala.

Siguro it’s about time na rin for Enrique to level up at tumayo on his own without being dependent sa isang loveteam.

It was about a year ago nung June 20, 2022 nang lumagda si Liza ng kontrata sa Careless Music matapos niyang talikuran ang Star Magic at si Ogie Diaz na siyang naging instrumento ng kanyang pagsikat bilang si Liza Soberano na tila gusto rin niyang iwan at gamitin ang kanyang real name na Hope Elizabeth Hanley Soberano.

Rez kinumpirma ang paghihiwalay ni Cai at mister nito

RezKINUMPIRMA ni Rez Cortez na hiwalay na umano ang kanyang anak, ang aktres na si Cai Cortez sa mister nitong Tunisian national na si Wissem Rkhami kung kanino siya may dalawang anak.

Sinubukan pa umano ng ex-husband ni Cai na kunin ang custody ng dalawang bata pero hindi siyempre pumayag ang aktres.

Naging biktima umano ang aktres ng verbal abuse ng dating asawa kaya ito’y nauwi sa kanilang paghihiwalay. There was also even a time na dinuraan ng dating mister ang mukha ng aktres.

Dahil hiwalay na si Cai sa kanyang mister, todo kayod sa trabaho ang aktres para sa kanyang dalawang anak and luckily for her, hindi ito nawawalan ng TV or movie assignments.

“In fairness kay Cai, mas marami pa nga siyang trabaho ngayon kesa sa akin,” pahayag ng amang si Rez na pangulo ngayon ng MOWELFUND or Movie Welfare Foundation, Inc. na itinatag ng dating actor, producer at Pangulo ng Pilipinas na si Joseph `Erap’ Estrada nung 1974 para sa mga manggagawa ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Si Rez, na in-demand pa rin bilang character actor, ay nagsimula bilang dancer ng iba’t ibang dance troupe tulad ng CCP Dance Company, University of the East Dance Company, University of the Philippines Filipiniana. Naging miyembro rin siya ng Amerlia Apolinario and Alegro Dancers.

Since barkada niya noon ang yumaong character actor na si Dick Israel at Roi Vinzon na nagsimula naman bilang model, nabigyan siya ng role sa pelikulang “Daigdig ng Sindak at Lagim” nung 1974 na naging daan ng kanyang sunud-sunod na movie assignment.

Naging director siya ng programang “Okat Tokat” series ng ABS-CBN sa loob ng dalawang taon. He started as assistant director in 1987.

Dahil parating bad guy ang kanyang ginagampanan role, maraming beses umano siyang nakaranas ng galit ng mga tao sa kanya. There was even a time na hinampas umano siya ng payong ng isang matandang babae habang siya’y nasa Davao. Pero sa halip na magalit ay natuwa pa umano siya dahil nabibigyan niya ng hustisya ang bawat role na ibinibigay sa kanya. Ipinaliwag naman niya sa matanda na role lamang umano ang kanyang ginampanan at hindi umano siya ganoon sa totoong buhay.

Si Rez ay loving and caring husband sa kanyang wife (of over 40 years) na si Candy at apat na anak na sina Zyrus, Czarina , Carissa (Cai) at Xavier at sa kanyang mga apo.

Hindi naman ikinakaila ni Rez na sumubok din umano siya noon ng drugs (marijuana) at ibang bisyo at kasama na rito ang pambabae. Pero ang lahat ng kanyang masamang bisyo noon ay kanyang tinalikuran nang maging bahagi siya ng Oasis of Love, isang religious community kung saan kabilang ang mga kilalang personalidad from showbiz including couple Christopher de Leon at Sandy Andolong. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago, bagay na ikinatuwa ng kanyang misis na si Candy who also joined the religious organization.

Ang veteran actor ay may lahing Lebanese. Ang kanyang paternal grandfather ay pure Lebanese habang ang kanyang ama ay may 50% dugong Lebanese habang ang kanyang misis na si Candy ay may lahing Spanish.

Bago naging president ng Mowelfund, si Rez ay dating pangulo ng Actors Guild of the Philippines.

Ang US-based actress na si Trixia Gomez ay isa sa naging kasintahan noon ni Rez.

Pamilya Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine

AtaydeAtayde1Atayde2NAMANHIKAN na ang pamilya ng actor-producer at politician na si Arjo Atayde sa pamilya ng kanyang fiancée na si Maine Mendoza sa Bulacan nung nakaraang Linggo, June 25 in preparation sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib sa July 28.

Si Arjo ang una sa kanyang mga anak na mag-aasawa.

Kasunod na kaya rito ang magkasintahang Ria Atayde at Zanjoe Marudo?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel and click the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE