Default Thumbnail

Bangkay ng magkapatid natagpuan sa loob ng kotse sa Pampanga

July 8, 2024 Zaida I. Delos Reyes 342 views

BANGKAY na nang matagpuan ng mga awtoridad ang magkapatid na menor de edad na una nang iniulat na nawawala noong nakaraang linggo sa Pampanga.

Ang mga biktimang itinago sa pangalang Kris, 5 at Topee, 6, ay natagpuan sa loob ng nakaparadang kotse sa garahe sa Barangay Moras dela Paz, Sto Tomas, Pampanga.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, ang mga biktima ay iniulat na nawawala ng kanilang mga kaanak nitong July 6.

Agad namang inaksyunan ng PNP ang ulat na humantong sa pagkakatagpo sa mga bangkay ng menor de edad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyong ginagawa ng PNP upang bigyang linaw ang insidente.