Bangkay

Bangkay ng lalaki balot ng kutson, may sako sa ulo nakita sa kalye

March 28, 2025 Bernard Galang 218 views

ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan noong Huwebes sa kalsada sa Brgy. San Bartolome, Concepcion, Tarlac.

Sinabi ng Tarlac police na ang bangkay nakita malapit sa kalsada sa boundary ng Navaling, Magalang-San Bartolome Road sa Bgy. San Bartolome.

Balot ang buong katawan ng kutson at may takip na sako ang ulo ng bangkay, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 P/BGen. Jean Fajardo.

Sinabi ng mga rumespondeng miyembro ng Concepcion police na ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima natatakpan ng mga tattoo, nakasuot ng puting shorts at walang t-shirt.

AUTHOR PROFILE