Default Thumbnail

Balikbayan boxes, Ipadala sa ‘reliable forwarding companies’

October 29, 2023 Vic Reyes 229 views

Vic ReyesBABALA sa ating mga kababayang nagtatrabaho o nakatira na sa labas ng Pilipinas, kasama na ang Estados Unidos, Europa at oil-rich Middle East countries.

Huwag ninyong ipadala ang mga balikbayan boxes (BBs) sa mga “fly-by-night” overseas forwarding companies para hindi kayo maloko.

Siguruhin niyo na ang inyong lalapitang forwarding company ay “reliable” at may integridad.

Ito ay paalala ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Inisyu ni Commissioner Rubio ang reminder pagkatapos na mai-distribute ng ahensya ang mga abandonadong balikbayan boxes mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Galing ng United States, Canada, Europe at Middle East, ang mga abandonadong balikbayan boxes ay ibinigay sa 68 claimants sa isang bodega sa Sta. Ana, Manila.

Ang mga kahon na naglalaman ng mga pasalubong ay nakaimbak sa Port Net Logistics CFS Warehouse sa Sta. Ana.

Ang distribution ng mga nasabing BBs ay pinangasiwaan nina acting BOC Deputy Commissioner Michael C. Fermin, MICP District Collector Allan R. Rosales and MICP Deputy Collector for Operations Edward R. Ibera.

Ayon sa mga report, ang mga OFWs ay nagbayad sa mga overseas forwarders “for shipping their bolikbayan boxes” para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang siste, hindi naman nagbayad ang mga foreign forwarding firms sa kanilang mga lokal na consolidators.

Naengganyo ang mga Filipino migrant workers sa mga mababang shipping fees na sinisingil ng mga nasabing overseas forwarding companies.

Kaya naman mababa ang singil, hindi pala sila nagbabayad sa local forwarders.

Ang nangyari, hindi dini-distribute ng local forwarders ang mga balikbayan boxes dahil dinorobo naman sila ng “unscrupulous overseas forwarders.”

Pagkatanggap ng mga reklamo ay agad na kumilos si Commissionear Rubio para mapabilis ang distribution ng balikbayan boxes sa inteded recipients.

Nag-desisyon ang pamunuan ng BOC na ibigay na lang ang mga abandonadong balikbayan boxes sa pamilya ng mga OFW na wala na silang kailangang bayaran.

Umani ng papuri ang ahensya dahil talaga namang karamihan ng mga laman ng mga kahon ay nakalaang pamasko ng mga OFW sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Nanawagan nga si Commissioner Rubio sa kanyang mga tauhan na madaliin ang pag-distribute sa iba pang abandonadong balikbayan boxes sa buong bansa.

Tamang-tama naman ito dahil palapit na ng palapit ang kapaskuhan, ang pinakamasayang selebrasyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang Christian countries.

Salamat kina Commissioner Rubio dahil sa mabilisang pag-distribute ng mga abandonadong BBs.

***

Dalawang buwan na lang at nandiyan na ang 2024, isang “Leap Year.”

Naniniwala tayo na tuloy-tuloy na ang paglago ng ating ekonomiya na pinadapa ng mahigit dalawang taong coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang maganda lang, kahit may pandemya noon ay tuloy pa rin ang pagdating ng mga importasyon natin.

Sa tingin ng marami nating kababayan, kasama na ang mga negosyante, ay sisigla muli ang ating ekonomiya dahil naniniwala sila na nasa tamang daan ang kasalukuyang administrasyon.

Tama kasi ang ginagawa nitong pagbibigay prayoridad sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Alam ni Pangulong Marcos na napakahalagang tulungan natin ang mga magsasaka, mangingisda at ang kanilang mga mahal sa buhay kung gusto nating magkaroon ng food security.

Kung wala kasi tayong food security ay hindi aangat ang “quality of life of the people who comprise the bulk of the population of this impoverished nation.”

Kung walang food security ay mahihirapan ang taumbayan.

Siguradong kasing tataas ang presyo ng essential commodities na galing ng ibang bansa.

Tama ba kami, Pangulong Bongbong Marcos at Finance Secretary Benjamin Diokno?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE