Marlon

Balikatan 2024

May 16, 2024 Marlon Purification 175 views

GUSTO ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na maunawaan ng taumbayan ang mga natamo at mga oportunidad mula sa katatapos na Balikatan Exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ihinain ni Padilla ang Senate Resolution 1026, na magsasagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan, para ipaalam sa publiko ang tagumpay ng Balikatan 2024.

“It is important that every Filipino would understand the Balikatan Exercise, the need for it, the gains of the country as well as the prospects and opportunities for the people,” aniya sa kanyang resolusyon.

“Dissemination of public information as regards Balikatan Exercise should also be an indicator on the success of the conduct of the said joint exercises,” dagdag niya.

Ani Padilla, kasama sa mga tinalakay ng ika-39 na US-PH Balikatan Exercise ang external defense operations, cyber defense, counter-terrorism, humanitarian assistance at disaster response, at pati na rin ang inter-agency interoperability na titiyaking kayang makipagtulungan ang mga militar at ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas at US sa panahon ng krisis – kabilang ang sakuna o paglusob.

Dagdag niya, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pumuri sa tagumpay ng Balikatan exercises at bumati sa mga tropa ng Pilipinas at US.

Pinuri rin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang tagumpay ng Balikatan, at umaasang matutuloy ang Balikatan 2025 na magkakaroon ng full battle simulation.

Sa kabila nito, ikinalungkot ni Padilla na maraming Pilipino ang hindi pa nagkaroon ng kamalayan tungkol sa Balikatan at ang epekto nito sa buhay nila.