Default Thumbnail

Balanga may bagong McDo

November 11, 2023 Christian D. Supnad 250 views

BALANGA CITY, Bataan–Nagbukas ang bagong McDonald’s sa Cupang, Balanga City sa syudad na ito sa pangunguna ng owner-operator na si Reynaldo Paul Chico at Gov Joet Garcia, ang pang anim na branch ng fast-food sa lalawigan.

Ayon sa gobernador: “Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa mga adhikain ng ating pamahalaang panlalawigan tulad ng pagbubukas ng oportunidad sa pagtatrabaho lalo na sa mga persons with disability at pagsusulong ng cashless transactions.”

Idinagdag pa ng gobernador na ang “mga negosyanteng tulad ninyo ang isa sa mga dahilan kung bakit natin nakamit ang 2023 Most Business-Friendly LGU Award kaya’t makaaasa ang lahat ng nagnanais magnegosyo sa ating lalawigan na buo ang suporta ng inyong pamahalaan.”

Tinanghal kamakailan na “Most Business-friendly” ang Bataan na iginawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Dumalo din sa opening ng bagong McDo sina Balanga City Mayor Francis Garcia, Vice Mayor Vianca Gozon, McDonald’s Philippines Field Service Manager Imee Miclat at iba pang mga panauhin.