
Bahay inararo ng SUV, tulog na ginang dedo
KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang ginang matapos na masagasaan habang natutulog ng isang Fortuner na bumangga sa kanilang bahay nitong Lunes ng madaling araw sa Davao de Oro.
Ang biktima ay residente ng Purok 7 sa Barangay Tapia, Montevista, Davao de Oro.
Batay sa ulat ng pulisya, natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang bigla na lamang inararo ng isang Fortuner ang kanilang bahay at nahagip ang ginang.
Tinangka pang i-revive ang buhay ng biktima habang naghihintay ng mga rescuers na magdadala sa kanya sa pagamutan.
Gayunman, hindi na umabot ng buhay ang biktima sa pagamutan.
Nasa kustodiya naman ng Philippine National Police ang driver ng Fortuner na nakabangga sa bahay ng ginang para papanagutin sa kaso.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.