Default Thumbnail

Bahagi ng lupa sa Tondo inilaan sa DHSUD

June 26, 2024 Chona Yu 74 views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation Number 610 na nagtatakda sa ilang bahagi ng lupa sa Tondo, Manila para ibigay sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).

Una nang inirekomenda ng Department of Environment and Natural Resources na gamitin ang lupa para sa DHSUD.

Inaamyendahan nito ang Proclamation Number96 series of 2001 sa pamamagitan ng pagbubukod sa isang bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila.

Ang hakbang na ito ay nagbibigay-daan sa DHSUD para ariin ang lupang ito at magsagawa ng urban development na naaayon sa final ground survey.

Ang proklamasyon na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Environment Secretary na maglabas ng kaukulang Special Patent na sumasaklaw sa lugar na inilaan para sa mga proyekto ng DHSUD.

Sa ilalim ng proklamasyon, bubuo ng Project Inter-Agency Committee o PIAC, kung saan chairman ang DHSUD, habang members naman ang DENR at ang City Government ng Manila.

Ang PIAC ang naatasang bumalangkas at maglabas ng Implementing Rules and Regulations at tukuyin ang mga benepisyaryo ng housing component ng township development.

AUTHOR PROFILE