
Bagong San Jose police station gagawin na
DUMALO ang ilang opisyal sa groundbreaking ng bagong San Jose police station sa San Jose, Batangas kamakailan.
Ang kaganapan naglalayong maglingkod at maprotektahan ang komunidad.
Naroon sa event sina PCol. Jacinto R. Malinao Jr., Provincial Director, Batangas PPO, PMaj. Ernie B. Delos Santos, Officer-In-Charge, San Jose MPS, PCol. Joseph Adleret A. Aliño, hepe, REU4A, PCol. Grace A. Tamayo, Chief at PBGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng PRO-CALABARZON.