Pilipinas

Bagong Pilipinas logo inilunsad

July 16, 2023 People's Tonight 1009 views

INILUNGSAD ng Marcos administration ang Bagong Pilipinas logo na nagpapakita ng mga yugto ng paglalakbay ng bansa patungo sa hinaharap.

Ang tatlong pulang stripe ay sumisimbolo umano sa post-war agricultural and rural development; post-colonial period; at kasalukuyang pag-unlad sa mga metropolitan area.

Sumisimbolo ang dalawang asul na stripe sa hangarin ng bansa sa hinaharap ang paggamit ng makabagong teknolohiya para sa industrial development.

Sumisimbolo ang araw sa pagnanais ng bansa na makilala sa global market at komunidad ng mga bansa.

Ang weave pattern naman ang nagpapakita ng interconnectedness at pagkakaisa ng mga Pilipino upang maabot ang adhikain ng Bagong Pilipinas.

Sa kabuuan nagpapakita ang Bagong Pilipinas logo ng pananaw ng administrasyong Marcos na kailangang magsama-sama at mapalaganap ang kultura ng bayanihan upang mangyari ang mga inaasam na pagbabago.

Ginawa ng Presidential Communications Office ang logo at walang dinagdag na gastos dito ang gobyerno.

AUTHOR PROFILE