
Bagong perya game inilunsad ng BingoPlus
Ipinakilala ng BingoPlus, ang nangungunang plataporma ng bansa pagdating sa digital entertainment, ang pinakabago nitong perya game na Pinoy Drop Ball sa isang selebrasyong puno ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila.
Itinampok doon ang pagtatanghal mula sa BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza at ilan pang mga bisita tulad nina Julie Anne San Jose at Alamat.
Ang nakasasabik na bagong palaro ay tinaguriang “homegrown creation” o likha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy, upang ibalik ang pakiramdam ng karanasang perya na kilala at mahal ng mga Pilipino, sa paraang dinamiko at bago na BingoPlus lamang ang makapagbibigay.
Parte na ang Pinoy Drop Ball sa popular na mga digital na laro ng DigiPlus, gaya ng Bingo, Tongits at Perya Games. Nararapat banggitin na ang Pinoy Drop Ball ang kauna-unahang live-streamed drop ball game sa Pilipinas. Nagtatakda ito ng panibagong pamantayan sa digital perya gaming sa bansa.
Higit sa pagiging isang panibagong laro, sinasalamin nito ang malalim na pagkilala ng DigiPlus sa tunay na kagustuhan ng mga Pilipinong manlalaro – awtentiko at nakaugat sa kulturang mga laro na nakikipagtambal sa bentahe ng teknolohiya.
“Bilang isang brand na nirerespeto ang kulturang Filipino, misyon naming iangat ang tradisyonal na Pinoy entertainment upang makasabay sa modernong panahon. Katulad ng minahal na mga Pilipinong laro gaya ng Bingo Mega, Color Game, Papula Paputi, ipinapangako ng Pinoy Drop Ball na pasasabikin ang mga manlalaro at mas lalo pang mahihikayat na sumali sa BingoPlus Platform,” ani DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio Tanco nu’ng grand reveal.
“Tanda ang Drop Ball na pasulong tayo sa misyong ito, at patuloy ang BingoPlus sa pagtulay ng mga offline na tradisyon at modernong teknolohiya, upang maglikha ng mas nakasasabik na karanasan para sa lahat,” dagdag pa niya.
Ang Pinoy Drop Ball ay naglalatag ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo.
Sumusunod ang Pinoy Drop Ball sa mga payout rule para sa anim na betting area. Kung ang card na hawak ay may iisang bola, makatatanggap ang manlalaro ng 2x payout, at kung dalawa naman ang bola, mayroong 3x payout.
Samantala, kung tatlong bola ang tatama sa isang card, papasok sa Pachinko round ang laro, at mabibigyan ng tsansa ang mga manlalaro sa mas malaking papremyo. Itong bonus round na ito ay magbubukas ng 15 na slot na may 10, 50, 100, hanggang 200 na multiplier, na lumilikha ng mas kapana-panabik na danas bilang manlalaro.
Tinatayang 40 beses maaaring mangyari ang triple cards na ito. Dahil naka-live stream 23/7, damang-dama ng mga manlalaro ang pagiging kalahok, nasaan man sila, ano mang oras ng araw.
Dumaan sa testing at lisensyado ito ng PAGCOR. Dagdag pa rito, magpapalit ng host ang BingoPlus kada 30 minuto upang bigyang-konsiderasyon ang iba-ibang paraan na inihahagis ang bola.
Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang experience ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila nang ilang henerasyon.