NEW LEADER--Pormal na itinaas ni dating Lt. Governor Chairman Francis Villegas NEW LEADER–Pormal na itinaas ni dating Lt. Governor Chairman Francis Villegas (gitna) ang mga nanalo at bagong talagang Lt. Gov.-designate na si Amphy Lim (ikatlo mula sa kaliwa) ng KC Manila para sa taong 2023-24 at Lt.Gov.-elect Virginia M. Paloma (ikalawa sa kaliwa) ng KC Fort Bonifacio Global City para sa taong 2024-25 habang nakamasid ang ibang mga opisyal at miyembro ng Division 3A ng Kiwanis. Kuha Jon Jon Reyes

Bagong opisyal ng Kiwanis itinalaga

September 16, 2023 Jonjon Reyes 93 views

ITINALAGA bilang mga bagong Lt. Governor-designate at Lt. Gov.-elect ng Division 3A, Kiwanis International Philippine Luzon District para sa 2023-2024 at 2024-2025 ng Kiwanis International Philippine Luzon District sina Amphy Lim, at Virginia M. Paloma sa Prince Hotel sa Maynila noong Setyembre 1, 2023.

Tumayo bilang Election Committee Chairman ang Immediate Past Lt. Governor na si Francis Villegas alinsunod sa batas, polisiya at patakaran ng Kiwanis International.

Suportado ng Division 3A clubs ang halalan at dumalo din ang mga council of elders kaugnay sa mga patakaran ng election.

Kabilang sa dumalo din ang by-laws Advisers na si Estie Vibora at PLG. Carmen Buenaventura.

Para sa serbisyo sa mga kabataan ang kanilang layunin at masidhing tungkulin sa pamamagitan ng continuing literacy education para sa mga pamilya na nasa laylayan ng lipunan.

AUTHOR PROFILE