Jakbie

BAGONG NEGOSYO AT BAHAY, PAGHAHANDA NI JAK SA KASAL NILA NI BARBIE

October 19, 2023 Vinia Vivar 262 views

Very proud si Barbie Forteza sa boyfriend na si Jak Roberto na ngayon ay businessman na.

May sinimulang bagong negosyo ang aktor at masayang-masaya si Barbie na natupad na ang pangarap ng boyfriend.

Sa Instagram ay nag-post ng pagbati ang aktres para sa BF.

“pov: ganito ka-hot at kagwapo ang boss mo. overtime po everyday plsss.

“Congratulations, mahal ko! @jakroberto I’m so proud of you! You’ve always wanted to have your own business and now you’ve made it come true! Enjoy every moment. You deserve it. Mahal na mahal kita,” mensahe ni Barbie kay Jak.

Makikita naman sa post ng aktor na nagdaos sila ng blessing para sa kanilang gagamiting office for his new business.

Mukhang nagsisimula na talagang maghanda si Jak para sa future. Bukod sa pagtatayo ng negosyo ay nagpapagawa na rin ng bahay ang aktor.

Para kaya ito sa future nila ni Barbie? May balak na kaya silang magpakasal?

‘Yan ang tanong ng marami ngayon.

AUTHOR PROFILE