
Bagong inuupahang bahay iflinex ni Dominic sa socmed
Nakalipat na pala si Dominic Roque sa bagong bahay mula sa dati niyang tinitirhan na condo unit na nadawit pa sa breakup nila ni Bea Alonzo.
Iflinex ng ex-fiance ni Bea ang new home na wala pang mga gamit at maikli lang ang caption niya rito.
“New home,” he wrote.
Sa hashtag ay nilinaw niyang nire-rent lang niya ang bahay.
“#RentingTheUnitah,” ang hashtag niya.
Marami naman ang natuwa na moving on na talaga si Dominic and that he wants to make a fresh start.
Maging si Ryan Bang ay nagkomento ng “Congratulations. More blessings to you!!”